K Brosas, inaming Kapuso show ang nakatupad sa kanyang pangarap
PEP Inc.

PEP Inc.

99Subscrice


Kung hindi raw dahil sa Kapuso show na ito, hindi matutupad ang pangarap ni K Brosas.

Actually, sumuko na si K sa kanyang pangarap na maging artista. Tanggap na niya ang pagiging singer sa isang banda at mag-o-OFW (Overseas Filipino Worker) na raw siya.

Nang biglang in-offer sa kanila ng kanyang banda ang mapabilang sa Kapuso show na Eat Bulaga.

Pag-amin ni K, malaki raw talaga ang utang na loob niya sa show na ito.

Bagama't more than 27 years na siyang singer, sa Eat Bulaga raw talaga siya nag-umpisa.

Ito ang kuwento niya sa PEP Exclusive interview nila ni Jimpy Anarcon, para i-promote ang kanyang 20th anniversary concert na K Brosas 20K20.

Digital ang concert at sa halagang PHP300 ay mapapanood nang live si K na may full-concert production, compelete with backup band and guests.

Mga internet sensations na sina Amor "Catering To My Mother" Carias at Macoy Dubs ang guests niya sa concert. Abangan din daw ang duet ni K sa kanyang anak na si Crystal Brosas.

Panoorin ang PEP Exclusive video na ito at makinig sa iba pang kuwento ni K tungkol sa history ng kanyang showbiz career, mga "milestones," at mga nakakatawang moments sa kanyang karera.

Siyempre pa, dahil si Jimpy ang nag-i-interview, may pa-PEP Challenge siya kay K na hindi lang isa, kundi dalawa!

#kbrosas #kbrosas20k20anniversaryconcert #pepexclusive

Know the latest in showbiz on http://www.pep.ph!
Subscribe to our YouTube channel! https://www.youtube.com/PEPMediabox
Like PEP.ph on Facebook! https://www.facebook.com/PEPalerts
Follow us on Instagram! https://www.instagram.com/pepalerts/
Follow PEP.ph on Twitter! https://twitter.com/pepalerts
Visit our DailyMotion channel! https://www.dailymotion.com/philippineentertainmentportal
Join us on Viber: https://bit.ly/PEPonViber