Marco Gomez, Cloe Barreto reaksyon sa comment na: "'Kala mo ang seseksi... ang pangit-pangit naman."
PEP.ph

PEP.ph

230Subscrice


Nitong nakaraang Huwebes, March 18, 2021, ikinuwento ng Silab stars na sina Marco Gomez and Cloe Barreto sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na hindi rin sila nakaligtas ang sa bashers sa social media.

Ngunit natutunan naman na ng dalawa kung paano i-handle ang ganitong mga sitwasyon.

Para kay Cloe, perfect ang kanta ng all-girl group na kinabibilangan niya noon na Belladonnas, ang "Enjoy and Ride," para sa kanilang bashers.

Sabi nito, "Meron po kaming kanta diyan, 'Dedmahin mo lang sila, at huwag mong pansinin...'

Patuloy ni Cloe, "Yun po kasi parang, pag walang bashers, hindi ka makikilala.

"Parang ganun po, e. Wala, hayaan na lang natin. Opinion po nila yun, e. Kanya-kanya tayong opinion. Siguro, dedemahin ko na lang.

"Babasahin ko pero dededmahin ko lang sila, di ko sila papatulan. Tatawanan ko lang sila."

Iba't ibang negative comments na rin ang natanggap ni Marco. Pero gaya ni Cloe, dinededma na lang din niya ang mga ito.

Aniya, "Ne-experience ko naman na, lalo nung nasa Clique5 ako."

Ang Clique5 ang dating all-boys group na kinabibilangan ni Marco.

Patuloy niya, "Yung mga comment nila, 'Kala mo ang seseksi nila, kala mo ang guguwapo, ang pangit-pangit naman.'

"Daming sinasabi pero dinedema lang din namin."

Pabor din daw para kay Marco dahil mas tumataas ang views ng kanyang mga videos sa TikTok kapag nag-iiwan ng comment ang kanyang bashers.

Patuloy nito, "Ako, okey lang sa akin kahit may bashers kasi may video, may pinost ako na video, lalo sa TikTok, marami akong bashers din dun.

"[Nagko-comment] sila ng, 'Tignan mo o, akala mo ang guwapo,' 'Ang yabang-yabang naman nito.'

"Pero nag-share naman sila 'tapos dumadagdag yung views ko, yung comments ko saka likes, dislikes.

"At least, thank you, bashers. Love you too."

Kilalanin pa nang husto sina Marco at Cloe sa kanilang PEP Live interview rito: http://bit.ly/SilabOnPEPLiveEXTRA

Interviewer, Video Producer, and Editor: Nikko Tuazon

Know the latest in showbiz on http://www.pep.ph!

Subscribe to our YouTube channel! https://www.youtube.com/PEPMediabox

Follow us!
Instagram: https://www.instagram.com/pepalerts/
Facebook: https://www.facebook.com/PEPalerts
Twitter: https://twitter.com/pepalerts

Visit our DailyMotion channel! https://www.dailymotion.com/PEPalerts

Join us on Viber: https://bit.ly/PEP