Janine Gutierrez, ibinuking na weakness ni Rayver Cruz ang planning pagdating sa traveling
PEP.ph

PEP.ph

230Subscrice


Napapangiting inamin ni Janine Gutierrez na hirap ang nobyong si Rayver Cruz pagdating sa paggawa ng itinerary ng kanilang travels abroad.

Kuwento ni Janine sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal): "Kasi si Rayver hindi talaga siya marunong pagdating sa mga biyahe-biyahe."

"Dati nga, nagyaya siya mag-Japan. Nagpunta naman kami with my other sister naman.

"'Tapos pagdating dun, hindi marunong mag-train! Walang alam sa pagpaplano.

"Ta's na-realize ko, 'Bakit? E, naikot na niya yung buong mundo sa tagal niyang artista.'

"Kasi nga lahat ng biyahe niya was with TFC. Alam mo yung mga ganun na everything is planned out for you?"

Ang TFC ay ang The Filipino Channel, ang 24-hour global subscription television network na pag-ari ng ABS-CBN Corporation. Madalas ay nagdadala ang TFC ng Kapamilya stars sa iba't ibang bansa para sa promotional shows para sa kanilang subscribers.

Patuloy ni Janine sa pagkukuwento tungkol sa nadiskubre sa nobyong si Rayver, "So ako, 'Hindi marunong. Tuturuan ko pa magtren ito.'"

Pero bumawi na raw si Rayver sa mga sumunod nilang bakasyon.

Tulad na lamang nang surpresahin ni Rayver si Janine nang magtungo sila sa Palawan noong October 2020.

Birthday gift iyon ni Rayver para kay Janine.

"Yeah, 'tsaka idinaan talaga niya sa pamilya ko, e. Marunong.

"So, wala na rin ako nagawa, e.

"Pero close kasi sila ng mga kapatid ko. So my little sister helped him plan."

Birong banggit tuloy ng Dito at Doon leading man ni Janine na si JC Santos, "Nalaglag si Rayver dito."

Eksklusibong nakapanayam sina Janine at JC sa PEP Exclusives, ang on-cam show ng PEP.ph.

Bida sina Janine at JC sa no-boyfriend-since-birth love story na Dito at Doon, na ipinalabas na nung March 31.

Para sa kaugnay na artikulo, i-click ang link na ito: http://bit.ly/RayverSupportsJanineTransfer

#JanineGutierrez #JC Santos #DitoAtDoon

Video Producer and Editor: Rachelle Siazon
Hosts: Rachelle Siazon and Jimpy Anarcon
Producer: Rommel R. Llanes

Know the latest in showbiz on http://www.pep.ph!

Subscribe to our YouTube channel! https://www.youtube.com/PEPMediabox

Follow us!
Instagram: https://www.instagram.com/pepalerts/
Facebook: https://www.facebook.com/PEPalerts
Twitter: https://twitter.com/pepalerts

Visit our DailyMotion channel! https://www.dailymotion.com/PEPalerts

Join us on Viber: https://bit.ly/PEPonViber

Watch us on Kumu: pep.ph